Happy Holidays!

                 

Always remember that Jesus Christ is the reason for the Christmas celebration. I’m forever grateful because our Father God gave His only begotten son for us because of his unconditional love for us. It is not because we are kind and good Santa Clause give gifts, it is because we are blessed!

We are blessed.

We are loved.

Have a joyful and blessed Christmas!!!

1 year full of love, fun, laughter, adventure and food tripping!

Thank you Lord for being our guide, our strength, our wisdom and for YOUR OVERFLOWING LOVE that we were able to show love to one another and to the people that surrounds us.

More years with love to come! :D

Iba’t ibang uri ng kababaihan…

1. Pa-conyo: sila yung super vain na kala mo everyday is “foundation day.” Magaling mag-ingles, hindi umiinom ng house water sa fastfood at kung magbihis e kala mo parating may party. Sila rin yung aakitin ka, pero hindi bibigay….agad. Kailangan ng matinding humor kung talagang trip na trip mo sya iuwi.

2. Top-of-the-line sosyalera: Sila yung mga pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Lumaki sa aircon, straight English kung magsalita pero mahilig din silang magmarunong na magaling silang mag-Tagalog pero ang sama talaga pakinggan. Di nakakarelate sa mga kanto jokes, nagtatawanan na ang mga tao di pa din nila nagegets yung joke. Lumaki raw sila sa kalye playing street games. Pero alam nyo kung ano yun? Street hockey, soccer, baseball, etc. Pffft! Batang kalye nga. Mahirap abutin. Pero kung masusungkit, pwede rin!

3. Feeling or Illusionaries: mga mahilig mag-ilusyon na magaganda sila at may sinasabi sa buhay. Pinsan si ganito, kilala si ganyan, may lupain sa hibok-hibok para ma-impress lang ang kausap. Sila ata ang tinutukoy ng Parokya sa kanta nilang, “Silvertoes.” Madaling kausap at minsan, isang sabi lang, gora na yan… walang paliguy-ligoy pa. 10/11 ang drama, sa sampung sinabi labing-isa mali. Dagdag-bawas magkwento kaya ingat lang lalo na kung kiss and tell sila.

4. One-of-the-boys: Sila yung “ideal bestfriend.” Cowboy ba… Pwedeng biru-biruin, masarap kasama sa inuman, naiintindihan ang kalokohan at kaberdehan ng kalalakihan, madalas gumamit ng “tsong” at “pare” pag kausap mo. Pero sila rin yung hindi nagsasalita sa totoong nararamdaman nila. Ingat din ang mga boys sa mga ganitong girls- lalo na pag nahuhulog na pala sa inyo. Kawawa sila pag nasaktan. Hmmmm…

5. Girlfriend-material: Sila yung sa unang tingin pa lang ng boys, abot-langit na ang respeto. Sila yung mga simpleng babaeng matipid ngumiti, makikipag-kwentuhan pero hindi may mystique pa rin. Na-c-curious ang mga lalaki kung anong meron sa kanila that they keep on looking for more of that person. Minsan ang hirap kausap dahil pabago bago ng isip. Usually, sila ang naliligawan, sinusuyo hanggang mapa-oooohh… OO.

6. Man-hater: Sa una, mapagkakamalan mo silang tibo dahil sobra silang “boyish.” Defense mechanism nila yun dahil galit sila sa past experience nila with an EX. Takot na daw sila masaktan. Mahirap din silang getlakin dahil matatakot ka sa kasungitan nila. Ang hindi mo alam, kulit lang ang katapat. Bibigay din yan. Pero syempre, sa mga lalaki, dapat armed ka with sympathy, timing and humor. Kahit hindi ka masyadong pogi, basta meron ka nito- malaki na ang chance mo.

7. Pa-Girl: OA sa pagka girl, mayat-maya ang retouch inaabot ng 30mins sa CR kahit nasa mall kayo suklay ng suklay ng buhok, mayat maya nananalamin. Super freak-out sa kaarteyhan. Malakas mag react ng “yuck!! Or eewwww” kapag nakakarinig ng mga maseselang usapin. Di nila gets o maapreciate ang ibang mga bagay bagay. Di mo alam kung makitid lang talaga utak nila o talagang slow sila makagets.. Basta ang hirap nila ispelengin!!! Ang masama eh kung 30 yrs old na pagirl pa din… awts!

8. Super Friendly: By the word itself, friendly siya sa lahat. Napakabait, Napakadaling i-aproach napakalawak ng pang-unawa on things. Masarap hingan ng payo. Pero minsan namimisinterpret ng iba. Aakalain ng guy na may gusto sa kanya si super friendly. Lalo na sa pagmimisinterpret sa kanila ng girls dahil pinagchichismisan sya ng masama, siguro kinaiinggitan kasi. Ang hirap din minsan ng masyadong mabait.

9. Doble-Kara: Eto yung matino or mataray pag normal, pero pag nakainom eh bigla na lang sasayaw sa ibabaw ng mesa, or iiyak ng walang malinaw na dahilan, or magiging robot na hindi na alam ang nangyayari, gumagalaw lang pero di nagrerespond sa kapwa, meron ding biglang nang aaway pa. Nakakatakot sila painumin kasi nakakahiya sila kasama pag nalasing.

10. Ms. Know-it-All: Gusto nilang i-impress ang lahat ng tao- especially ang mga kalalakihan, thinking na ma-g-getsung nila ito. They think na mas matalino sila sa guy at kaya nila itong paikutin. Pero wag ka. A good guy can recognize a smart girl. Boys, ingat sa mga tulad nila dahil yung pagka-Know-it-all ay pwedeng mauwi sa paninira sa ibang tao at mga buhol-buhol na kasinungalingan.

11. Problematic: Sila yung mga girls na kala mo kailangan lagi ng karamay o mag-aalaga sa kanila. Pa-emo minsan.. Hanap lagi yung instant Knight-in-Shining-Armour. Dapat mag-ingat ang mga girls na ganito dahil pag problemado sila, mas madaling nakaka-score ang mga kalalakihan lalo na yung magagaling mambola.

12. Babaeng-Bakla: Isa sa pinaka ok na personality ng babae. Tipong laughtrip lagi pag kasama mo.. Hindi maarte, bulgar kung bulgar magsalita pero nasa timing. Punong puno ng humor. At minsan kung pikon ka maiinis ka sa pang-ookray niya pero ok lang lambing lang niya yun.

13. Silent but deadly: Maria Clara ang datingan, Di sila masyadong palakibo, or masalita. Kung magsasalita man eh parang sila lang nakakarinig sa sinasabi nila. Pero wag matahin… Nasa loob ang kulo nila. Talagang mabibigla ka sa matutuklasan mong ibang side ng girl na ito….

14. Camwhore: Wala naman kinalaman to about sa pagkarir, share ko lang.. Sila yung kahit saan mapunta eh magpipicture ng sarili niya maya’t maya. Kahit di na sa kanya yung celfone puro mukha na nia ang laman. Iba-ibang anggulo pa pero magulo naman karamihan ng kuha. Pipiliting iphotoshop pero lalo lang sumasama. Tapos yung karamihang kuha naman eh nakaside lang yung mukha. Nakakapeke kasi ang ganung posing, nakakapagpaganda. Tapos di pa makukuntento may mga kuha ding nasa taas yung cam and nakaside pa din. Kasi nakakapayat yun, diba? Daming picture sa fb or multiply na puro mukha lang naman… na naka-side.

15. Flexible: Eto yung girl na akala mo sa unang tingin, di mo mareach mukhang snobbish, and maselan, pero pag nakuha mo ang loob at nakilala mo ng husto eh di pala maarte co-boy din sya na hindi one of d boys. Kahit saan nakakarating mula Rockwell hanggang Divisoria. Walang arte, Kakain kahit saan mapa Fridays or fishballs sa kalsada. Ang sarap magkaroon ng girlfriend na tulad nila.

16. Flirt: or maarte! Kadalasang sila yung mga liberated, bombshell na talagang pansinin manamit, magsalita, at kumilos. Madaling pumatol lalo na kung gwapo or mayaman.

post from Pinoy Exchange

ang NBI *bow*

Haaaay…at last…finally! I was able to have my NBI clearance today (thanks to my tita for helping me out)

Nabawasan ng 3/4 ang paghihirap ko na nag start pa nung July 4.

Na try ko ang Robinson’s Galleria, Robinson’s Ermita at Mandaluyong City Hall…lahat lagi ako inaabutan ng cut off even as early as 5am!

Grabe sa haba ng pila…akala mo nasa evacuation center kami

Thank you Lord…makaka move on na ko…hahahaha

bye stream

Noong Hulyo 6 ang naging huling araw ko sa Stream. For 2 yrs and 10 months ito ang bumuhay sa akin. Nag train paano maging magaling na ahente at madami akong natutunan sa pag stay dito.

Nagpapasalamat ako sa mga tao na nakahalubilo ko, nakabiruan, nakatawanan, naka kantsawan at napag share-an ng kung anu anong lang.

Salamat sa naging TL ko sa Sprint na kahit 3 months lang yun sobrang na enjoy ang Team Helix. Salamat ng madami kay TL Errol Villanueava na nagturo sa akin ng madaming bagay at nalaman ko na kahit may tatoo emo pa din..maraming maraming salamat sa yo. TL Jojo San Pedro na cool na TL at sa kanya ko na experience ang First Team Outing (at dahil dun nawalan ako ng tsinelas..hahaha) At syempre kay TL Shielvy Tan na nag tyaga sa akin ng mahigit isang taon na sumalo sa lahat ng kalokohan ko, nag ayos ng mga kapalpakan ko at nag tyaga sa mga katigasan ng ulo ko. Hindi ko man nasabi sa kanya gusto ko mag sorry sa kanya hindi ko natapatan yung mga expectation niya sa akin. Sobrang thank you sa lahat.

Sa lahat ng mga naging team mates ko hindi ko kayo makakalimutan…wala kayong katulad :D

Team Shielvy kaya niyo yan saluhin niyo yung queue! hahaha!

Kay Boss Jay…mukha ka man suplado sa umpisa pero the best shift manager ka! Miss na kita boyplen!

Salamat sa lahat ng memories :D

choco choco chocoleyt

                             

Kasama sa birthday gift ni bochi :D

birthday ko naman!

                     

Sobrang saya and full of happy memories ang birthday ko na to. Thank you Bochi for giving me your whole day to be with me on my day :D

Thank you Lord for the past year that’s full of blessings, love and fulfilled promises.

Thank you Lord for another year of my life. With new promises that I claim and receive to be done according to Your will and on your best and perfect time. I receive all the blessings that are mine and that no one can depart me from it because all you want for me is good and perfect gift.

I know Lord that Your plan is far better or as I say best than my plans. I lay everything to You.

Thank You Lord for making my day sooooo memorable and fun :D next year po ulit :D

bawal magalit, mainis at mairita sa akin bukas! pagbigyan niyo na ko! hahahaha

Happy Birthday Bochi

I praise and thank God for giving you another year to enjoy life, experience His love, blessings and care. Thank you for coming into my life and giving colors to my world. Love you. 

See you on Thursday :D

nung sabay kaming nagpagupit :D

ako na ang henyo!

may nakakatawa akong experience kahapon.

I was looking for a very nice birthday gift for bochi

so naisip ko bumili ng GC dun sa massage/spa na pinupuntahan niya sa Ermita.

Bago kami magkita kahapon pumunta na ko doon…ang henyo henyo ko talaga sa pagtanda ng direksyon..lumampas ako sa dapat bababaan. So naglakad ako pabalik…at 30min ako paikot ikot sa buong Ermita kasi hindi ko na matandaan yung exact location nung massage/spa na yun.

Umalis akong luhaan..sa sobrang frustration umiiyak akong nag kwento kay bochi…ayun huwag ko na daw siya bilhan ng gift

kaines.

4 Great Ways Of Living - 1. Look back & thank GOD. 2. Look forward & trust GOD. 3. Look around & believe in GOD. 4. Look inside & find GOD.
Happy Mother’s Day!!! Alam ko miss ko na kumain ng gayan katamis na food! hahaha. tara at mag diet tayo! mwuah!

Happy Mother’s Day!!! Alam ko miss ko na kumain ng gayan katamis na food! hahaha. tara at mag diet tayo! mwuah!

movies…

I wanna watch…

Thor and fast 5!

where are you friends? hahahaha

Thank you Lord for this wonderful gift of LOVE….